EDSA
I. NANG ARAW NA LUMAYA ANG MGA LINTA
(1985-1987)
Sa mahigit
dalawampung taon,
Nakapinid ang kulungang
garapon.
Sa loob nito ay
nakakulong
Mga lintang lubhang ganid
at gutom;
Mga lumang pulitiko;
Mga sakim at palalo.
Mga nakaabito’t aktibistang
huwad,
Naghanda ng patibong
at bitag.
Ang araw ng
pagtatalusira,
Sumapit sa bayang
sinisinta.
Isang tao ang sadyang
pinaslang,
Upang sa pinuno ng
bayan ibintang.
Ang mga makakaliwa ay
hinimok,
Sa tagay ng
kataksilan lumahok.
Salapi ng mga imbing
makakanan,
Pinakalat sa mga liwasa’t
lansangan.
Tila nagdilim ang
liwanag ng araw,
Ang mga puno’t pader
ay nanilaw.
Mga dila ng
kleriko-pasismo,
Nanghikayat sa harap
ng pulpito.
Mga galamay ng imperyalista,
Ibinadya hawak nilang
sandata.
Maraming nadaya sa
lasong dilaw,
Kaya’t nanaig ang
maling pananaw.
Pinuno ng baya’y
dinukot ng Kano;
Dinalamhati at siniphayo.
Pagkatapos ay
kanilang iniluklok,
Biyudang sa
paghihiganti’y hayok.
Lahat ng mabuti ay
inalis,
Kaliluan ang siyang
ipinalit.
Ang balo ay malakas
na humalakhak,
Katarungan ay tuwirang
hinamak.
Mga linta sa garapon
pinalaya,
Nanakmal, nangamkam
at nanalanta.
Mga lintang
pulitikong gahaman,
Sinagpang ang
kaawa-awang bayan.
Ang babaing sa
dayuha’y nagpatuta,
Itinanghal na bayani’t
dakila.
Binaboy ang batas at
lipunan,
Salapi ipinalit sa
karangalan.
Nagsaya’t nagdiwang
ang mga sukab;
Walang habas silang
namayagpag.
Yamang naipon ng
lahing Kayumanggi,
Sa dayuha’y muling
ipinagbili.
Ang mga mahirap
lalong naghirap;
Kasamaan ay
nagbunyi’t lumaganap.
Bayan ay nasadlak sa
panimdim,
Sa pamumuno ng
alagad ng lagim.
II. NAGNGITNGIT ANG TADHANA
(1987-2009)
Ang bayan kong
Pilipinas,
Laksang hirap ang
dinanas.
Pagbabagong akalang
ibibigay,
Hahantong pala sa
malalim na hukay.
Mga Kawal nag-aklas
at nagbanta,
Silang mga nagamit at
nadaya.
Ang bayan kong
Pilipinas,
Ginahasa ng mga
ungas.
Kabundukang mayabong
at marilag,
Walang habas na
kinalbo at tinibag.
Nagngitngit ang Inang
Kalikasan,
Binaha ang buong
bayan.
Ang bayan kong
Pilipinas,
Nilimot ang
nakalipas.
Ang mandaraya’y
itinaguyod,
Kaya’t lindol ang
sumunod.
Dahil sa paggawa ng
mali,
Libu-libo ang nasawi.
Ang bayan kong
Pilipinas,
Namumuno’y balasubas.
Ang mga gahaman ay
tinangkilik,
Na salapi ang laging
katalik.
Sagot ng tadhana sa
katiwalian,
Mga sakuna sa
karagatan.
Ang bayan kong
Pilipinas,
Ngitngit ng tadhana’y
nagniningas.
Sa pagpugay sa Araw
ng Kalayaan,
Mga dayuhan ang
pinapurihan.
Kaya’t Bulkang
Pinatubo ay nagising
Sampal sa mukha ng
manggugupiling.
Ang tadhana ay
sandaling magtitimpi,
Ipagpapaliban ang
ngitngit at muhi.
Kailangan munang
gisingin at imulat,
Kaisipan ng bayang
binulag.
Mamamalas ng mga
magulang at supling,
Ang pagkakaiba ng
liwanag at dilim.
Ang tadhana ay magmamatyag,
Magtatakda at
maghahayag.
Unti-unti ang bayang
nilinlang,
Magigising sa
katotohanan.
Taon man ang bilangin
at lumipas,
Sa sukab darating din
ang wakas.
Ang tadhana ay hindi
natutulog,
Hangga’t ang mundo’y
umiimbulog.
Nakatala ang bawat
katiwalian,
Ng mga namumuno sa
pamahalaan.
Darating din ang oras
ng pagbabago,
Ang matingkad na
dilaw ay maglalaho.
III. ANG PAGHATOL NG LANGIT
(2009-2022)
Apat na taon at
dalawang dekada,
Nanilaw na muli ang
mga kalsada.
Itinakda ang pagpanaw
ng balo,
Upang anak niya’y
maluklok sa trono.
Muling dadanas ng
laksang pahirap,
Bayang pira-piraso
ang pangarap.
Bagyong walang
katulad ay sumapit,
Ito na ba ang
paghatol ng Langit?
Ito’y para imulat ang
taong-bayan,
Sa gawang-sakim na
katotohanan.
Buong daigdig ang siyang
nakamalas,
Katiwalian, lantaran
at pangahas.
Kapalit ng salapi’t
kapangyarihan,
Isinugal mga sanggol
at kabataan.
Dusa at kamatayan sa
bawat turok,
Gamot na sa kanila’y
isinubok.
Pilit mang itago ang gawang
pagpatay,
Nananaghoy ang mga
musmos na bangkay.
Pula, puti, bughaw at
ginintuan,
Iyan ang kulay ng
watawat ng bayan.
Kathang-isip mangmang
lamang ang dilaw,
Ng mga pasista’t
pulitikong halimaw.
Kaya’t ito’y lubhang
kamumuhian,
Ng mga naliwanagang
mamamayan.
Ang hula ni Jeremias
sa Bibliya,
Mangyayari ang hayag
na propesiya.
Ang sinasamba nilang
reyna ng langit,
Sa paglindol sa lupa
ay hahalik.
Karangalang sa
kaniya’y ibinigay
Dadalhin ng mga lilo’t
mangmang sa hukay.
Isang karumaldumal na
larawan,
Tanglaw at sagisag
daw ng kalayaan.
Nagtitipon ang mga buktot
at pasista,
Sa sangang-daan sa
gitna ng EDSA.
Kapangyariha’y nais
agawing muli,
At muling magluklok
ng isang tiwali.
Mula sa lambak ng bayang
Marikina,
Gagapang ang pagyanig
ng lupa.
Ang kanilang itinayong
rebulto,
Mabibitak, magigiba
at guguho.
Makikita ang hatol ng
kalangitan,
Sa pananampalatayang
bulaan.
Matapos ang pagtangis
ay pagbangon,
Kapit-kamay na
haharap sa hamon.
Wala ng garapon para
sa mga linta,
Dapat sa kanila’y
asupre at baga.
Magkakaisang muli ang
mamamayan,
Upang itatag ang
Bagong Lipunan.