Saturday, September 28, 2019

REPOST



REPOST
 

          Initially, I don’t know which of the numerous titles coming out of my mind to use for this blog post. At first I was thinking of just titling it “Untitled.” Then again, this was a repost of a piece I wrote in my Facebook page about a year ago. That Facebook page was “erased” without explanation or prior notice from FB Philippines.
          The piece was titled “Open Letter,” and posted on Facebook on September 8, 2018. It’s about my past experience as a journalist during Cory Aquino's repressive Yellow Regime, and my present observation as a socio-political enthusiast. It’s about freedom of speech and freedom of expression. It’s about telling the real story behind the false facades and political hypes. It went viral for a while. And I thought nobody was reading my posts.
          Today, one year after, I’m republishing – reposting - it here on my blog.
 

“Ito ay open letter sa mga bumabatikos, nang-iinsulto at lumalait sa pagkatao ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Kung tutuusin, dapat kayong magsaya at magpasalamat dahil may kalayaan kayong gawin ang mga bagay na iyan na hindi nangyari sa mga nakaraang rehimen.

Ibabahagi ko sa inyo ang ilan kong karanasan bilang manunulat.

Noong rehimen ni Cory Aquino, nagsusulat ako sa mahigit isang dosenang publications, magazines and newspapers. Sinasabi noon na ibinalik daw ni Cory ang demokrasya at kalayaan sa pamamahayag. Malaking kasinungalingan iyan. Tatlong pagkakataon na lang ang babanggitin ko:

1. Sumulat ako ng dalawang environmental articles para sa Philippine Free Press. Yung isa tungkol sa logging sa mga watershed areas at yung pangalawa ay tungkol sa Philippine Eagle. These are my first submissions for the publication. Ipinatawag ako afterwards sa editorial office. Ang sabi nila ipa-publish ang mga articles ko if..... (A.) Gagawin kong first-person narrative ang mga articles (No problem with this). (B.) Tatanggalin ko yung mga papuri ko kay Marcos at batikos kay Cory (Dito ang problema). Pinuri ko kasi si Marcos dahil sa kaniyang environmental concerns at binatikos ko naman si Cory dahil sa kaniyang environmental neglects. Kumampi sa akin yung isang editor na lalaki. Sinabi niya na “Philippine Free Press sila at dapat bigyang laya ang both sides of the issue.” Pero hindi pumayag yung dalawang babaeng editors.

Naalala niyo ba noong panahon ni Marcos na pinagtatanim ng mga tree seedlings ang mga kadete sa high school at college sa mga watershed areas sa Angat, Ipo at La Mesa. May foresight si Marcos. Nakita niya ang mangyayari sa hinaharap. I also saw this and I wrote an article about it. Malalaki na kasi ang mga punongkahoy na yun at nila-logging ng mga maimpluwensyang kapanalig ni Cory. I gave a warning in my article that if it continues, magkakaroon ng flooding sa Bulacan, Quezon City, Valenzuela, Caloocan, Malabon at Navotas, at magkakaroon ng water shortage sa Metro Manila. My articles were not published because I did not compromise. Well, what Marcos foresaw and what I predicted in my article happened and is still happening.

2. I wrote an article with regards to Cory stopping the Metro Manila flood control projects of Marcos for MOD magazine. Detalyado yun. EXCERPTS: “Out of vindictiveness, Pres. Aquino is sacrifing the lives and livelihoods of the people of Metro Manila..... If the Flood Control Projects of former Pres. Marcos are discontinued, in a decade or two, there will be massive flooding and inundation in more than 70 percent of Metro Manila. Nakiusap as akin si Mrs. Sioco (editor-in-chief ng MOD) na baguhin ko ang article, to make it “suggestive of solutions rather than critical.” She admitted to me years later na nagkaroon ng mahigpit na “pagbabawal sa pag-critize kay Cory.” Well, again, what I predicted in that unpublished article happened and is still happening.

3. I submitted a dissertation depending Senator Jovito Salonga’s stand in favor of the removal of U.S. military bases in the Philippines. Remember that Cory was for the “Status quo” – that the bases stay. Kaya nga natanggal si Sen. Salonga sa pagka-Senate President dahil sinuway niya si Cory (Just imagine, kapartido pa nila). EXCERPTS: “Pres. Marcos was branded by activists as a U.S. puppet, and these same activists helped put Pres. Aquino in Malacañang. What would they say now that Cory is for the retention of the U.S. Military Bases? This she did in gratitude for the Americans who helped deposed Marcos and put her in power. Would they venture to say that she is ‘a puppet in the making’ or ‘an already-puppet in disguise?’ Poor Senator Salonga took the brunt of her anger, when the ‘nationalist’ (though he’s a Liberal) lawmaker insisted that ‘the Americans should go.’ He got booted out of the Senate leadeship..... But Mother Nature decided for herself what is best for the Philippines when Mount Pinatubo erupted and the Americans quickly scampered out of Clark and Subic. I don’t think Cory can do anything about that. Thank God! Hahaha!” Again, my dissertation article was never published. Editor Bernie de Leon told me that if he published it, “mame-memo kami!”

I’m still lucky. Senator Salonga lost the Senate leadership and lost the support of the Makati Business Club for his presidential bid for disobeying Cory. Worst, my friend Lean Alejandro died for criticizing and organizing a nationwide rally against Cory. Same happened to Rolando Olalia.

Kaya inuulit ko, sa mga bumabatikos, nang-iinsulto at nanglalait sa pagkatao ni Pres. Duterte, pasalamat kayo at malaya ninyong nagagawa iyan ngayon.

Ito pa ang mga dapat ninyong pagmuni-muniin:

Unprecedented ang dami ng mga bumoto kay Pres. Duterte. Kaya nga anomang plans ng pandaraya sa kaniya ay hindi nagawa. Hanggang ngayon, napakataas ng tiwala ng taong-bayan sa kaniya. Kaya kahit anong batikos ang gawin sa kaniya, wa-epek!

Bakit napakataas ng tiwala ng taong-bayan sa kaniya? Marahil may nakikita silang tama. May nakikita silang aksyon. May nakikita silang ginagawa sa bawat dumarating na problema. Hindi katulad ng mga nakaraang rehimen.

Bakit sa kabila ng mga pagbibiro niya sa mga kababaihan ay iniidolo pa rin siya ng mga “ilaw ng tahanan,” mga masang kababaihan? Marahil may nakikita silang tama. Bale wala sa kanila ang pagbibiro. Ang mahalaga sa kanila ay ang mga programa ni Pres. Duterte para sa ikabubuti ng kapakanan ng kababaihan. Pag-amin nga ng isang kaibigan kong taga-Gabriela, hirap silang makapag-anyaya ng mga sasali sa kanilang rally.

Coup d’etat? Isang malaking kaululan iyan. Bakit? Si Pres. Duterte ang naglaan ng pinakamalaking budget para sa modernization ng AFP. Walang corruption sa pagbili ng BAGONG mga gamit. Hindi katulad ng galing sa U.S. na bulok at pinagsawaan na ng panahon. Ang galing China, bago!, Ang galing Russia, bago! Ang galing Korea, bago! Ang galing Israel, bago! Ang galing Jordan, bago! Itinaas niya ang sahod at social benefits ng mga pulis at militar.

So, sinong baliw ang tutugon sa panawagan ni Trillanes na maaaring magbunga pa ng civil war? Sawa na rin ang lahat sa paulit-ulit na nangyayari sa ating lipunan. Sawa na sa paggamit ng mga traditional politician (trapo) na kapag nasa posisyon na ay wala ng pakialam sa taong-bayan. Sawa na sa mga balimbing at laging palpak (LP) na pulitiko. Sawang-sawa na ang taong-bayan! Kaya nga kung maranasan ninyo na ma-bashed sa social media dahil sa panglalait niyo sa pangulo, katibayan lang iyan na maraming taong-bayan ang panig sa kaniya.

Kung totoong ginagawa niyo ito ng wala kayong napapalang anoman. Aba’y magsuri kayo at baka kayo’y nagagamit lamang upang magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa ating lipunan. Ito ang gusto ng oligarkiya, ng naghaharing-uri, ng mga pasista at imperyalista, divide and conquer.

Kung may tinatanggap naman kayong kabayaran sa inyong pagbatikos at panglalait sa pangulo, matakot kayo sa ngitngit ng taong-bayan at matakot kayo sa parusa ng DIYOS.

Nasusulat (Unawaing mabuti): 'Pasakop kayo sa palatuntunan ng tao ayon sa kagustuhan ng Panginoon; sa pinakamataas na namumuno, sa mga gobernador, na sinugo ng DIYOS upang magparusa sa mga nagsisigawa ng masama at magbigay kapurihan sa nagsisigawa ng mabuti. Siyang kalooban ng DIYOS, na dahil sa pagawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo. Mamuhay kayo sa kalayaan, subalit huwag ninyong gawing balabal sa paggawa ng masama ang inyong kalayaan, kundi gaya ng mga alipin ng DIYOS. Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa DIYOS. Igalang ninyo ang sa inyo’y namumuno.' – I Pedro 2:13-17, Ang Banal na Kasulatan.”
 


          The next paragraph was a post of gratitude to the many who liked, praised, commented on, and shared my “Open Letter,” two days later.
  

“Sa dami ng mga comments ninyo, hindi ko kayang sagutin lahat. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Karamihan sa mga nag-like ng aking open letter at nagbigay papuri ay hindi ko naman kakilala o FB friends. Sinulat ko ito dahil sawa na rin ako sa mga nababasa kong pambabatikos at panglalait sa ating pangulo. Wala na nga silang naitutulong sa ating bansa, nanggugulo pa. Mabuti sana kung meron sila kahit katiting na naitutulong sa bayan, sa mamamayan, sa pag-ahon sa kahirapan, sa paglaban sa kriminalidad. Wala eh. Puro lang sila puna at ngawa. Tama na! Sawa na ang taong-bayan! At nitong nakaraang araw ay nabasa ko ang tala sa Bibliya (I Pedro 2:13-17). Maliwanag ang sinasabi at hindi makapangangatuwiran ang sino mang tao kung siya ay KRISTIYANO at sumusunod sa aral ng Banal na Kasulatan: Ang mamumuno ng bayan na nagpaparusa sa masama ay itinalaga ng DIYOS.... At tayo, kahit binigyan ng kalayaan, hindi natin dapat ginagamit ito sa paggawa ng masama..... Dapat nating igalang ang sa ati’y pinakamataas na namumuno.”