Monday, August 28, 2023

ISANG BUKAS NA LIHAM




ISANG BUKAS NA LIHAM

SA MGA NAGBUBULAG-BULAGAN
AT TULOG PA ANG UTAK
NA NAGPAPANGGAP NA AKTIBISTA 

Buwan ng Wika at Araw ng mga Pambansang Bayani kaya sa Pilipino ko isinulat ito – Isang bukas na liham-pahayag para sa bagong henerasyon ng mga kabataang nagtatangkang maging aktibista. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng pamilya Marcos sa inyo at naging tagahasik kayo ng black propaganda laban sa kanila. Biktima ba kayo? Ang inyong mga magulang? Nasaksihan niyo ba ang mga pangyayari o ito’y idinuldol lamang sa inyong pananaw at isipan?

Ako po, panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos nang gibain ang bahay namin sa Navotas ng walang karampatang kabayaran. Nasa high school pa lang ako noon. Dalawa lang kami ng nanay ko na nagpalipat-lipat ng tirahan habang kung ilang taong sinikap niya na mabigyan kami ng kabayaran; dumanas kami ng hirap, lalo na ang nanay ko; at muntik na akong hindi nakapag-aral kundi sa tulong ng mga kaibigan at kamag-anak ng tatay ko. Naging aktibista ang pananaw ko at sumama pa ako sa mga kilos-protesta ng Kabataang Makabayan (KM) laban kay Pangulong Marcos. Ang nanay ko ang nanatiling naniniwala kay Marcos – Loyalista hanggang sa pagtanda at huling hininga.

Salamat sa gabay ng nanay ko, hindi ako tuluyang nahatak sa kilusan. Taglay ko ang adhikaing makabayan at hindi iyon mawawala sa akin. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero kung nagtuloy ako, baka naging kasapi ako ng central committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) o kumander ng New People’s Army (NPA). Sa Halip, nagsaliksik ako at napatunayan sa sarili ang maraming katotohanang gumising at nagmulat sa akin. Hindi lang ako, maging ang mga naging mentors ko noon – Ka Nilo Tayag, Co-founder at Chairman ng Kabataang Makabayan (KM) at Secretary General ng CPP, Dominador "Ka Domeng" Arellano, Spokesman ng Pambansang Samahan ng Makabayang Tsuper (PSMT), etc., ay nakasama ko rin sa pagbabagong-pananaw. Dahil nadiskubre namin na ang tunay na kaaway ay hindi si Marcos, kundi ang mga oligarkong kumukontrol sa lipunan at negosyo, ang mga lintang pulitiko at militar na nagpapasasa sa yaman ng bayan, ang mga pasistang nakaabito na lumilinlang sa kaisipan ng mamamayan, at ang mga dayuhang nanghihimasok at nagsasamantala sa ating soberanya at yamang-kalikasan. Sa aming pagsasaliksik, nalaman namin na hindi Komunismo ang ideolohiyang kailangan ng Pilipinas kundi marapat magkaroon ito ng sarili at lantay na pananaw at pilosopiya mula sa sarili nitong kalinangan, kultura at kasaysayan (Minsang tinukoy ko itong Maharlikanismo). Sa madaling salita, naliwanagan at nagising kami sa katotohanan. SANA MAGISING NA RIN KAYO AT MAKIPAGKAISA PARA SA BAYAN!

 

Ngayon kung nais ninyo ay maging aktibista para sa bayan at mamamayan, dapat pananaw at kapakanan nila ang inyong pinapanigan. Ang taong-bayan ay maliwanag na mulat at gising na sa katotohanan. Pinili nilang ibalik ang isang Marcos sa Malacañang. Huwag ninyong baliwalain ang kanilang kinimkim na galit sa loob ng tatlong dekadang panlilinlang ng mga trapong pulitiko at dilawang media. Kung kayo ay sasalungat sa kagustuhan ng taong-bayan, para kanino kayo gumagalaw?

Sa palagay ninyo makakakuha kayo ng simpatiya at pagsang-ayon mula sa taong-bayan sa ganitong propaganda na patuloy na paninira sa kanilang inihalal na pangulo?



Bakit hindi ang tungkol sa Mendiola Massacre at Hacienda Luisita Massacre ang ilaban ninyong magkaroon ng katarungan? Bakit hindi ninyo tulungan ang pamahalaan upang masugpo ang pagsasamantala ng mga buwitreng negosyante na siyang nagpapataas sa halaga ng mga bilihin? Bakit hindi kayo tumulong na ilantad sa publiko ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon o ang mga nanabotahe sa ekonomiya? Huwag kayong pasuhol sa mga nananamantalang mangangalakal, buwayang pulitiko at pasistang oligarko. Dito, susuporta sa inyo ang taong-bayan!

 

Ang kulang sa kasalukuyang mga nag-aambisyong maging aktibista ay pagsasaliksik sa kung ano ang katotohanan at pagsusuri ng mga pananaw na nagpapagalaw sa lipunan. Napakahabang salaysayin kung iisa-isahin ko, pero kung hangad ninyo ay patas na pagsasaliksik at katotohanan, basahin ninyo ng buo ang mga sinulat ko sa aking mga blog posts. (Maaring isipin ninyo pagkabasa ng mga ito na ako’y isang Loyalista ni Marcos. Tama, naging Loyalista ako matapos ang masusing pagsasaliksik at pagtitimbang sa mga pangayayari, subali’t ang pagkamakabayan ay hindi ko kailanman tatalikuran.)

Magbibigay ako ng ilang halimbawa:

1. SI NINOY AQUINO AY HINDI KAILAN MAN MAITUTURING NA BAYANI! Marami sa mga dating kasapi ng kilusang aktibismo ang nakatuklas na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr ay isa umanong “double agent” na nagtatrabaho para sa US State Department (USSD) at Central Intelligence Ageny (CIA). Nagsimula siya sa gawaing ito bilang media correspondent sa Korean War. Pagkatapos ay naging ahenteng ispiya siya ng mga Kano sa pamahalaan ni Pangulong Ramon Magsaysay habang nakikipag-usap kay Luis Taruk, pinuno ng Partido Socialista ng Pilipinas. Pagkatapos nito, palihim din siyang tumulong na mabuo noon ang CPP-NPA-NDF ni Jose Maria “Joma” Sison at Bernabe “Kumander Dante” Buscayno. Si Ninoy at si Joma ang nagplano ng pagbomba ng Plaza Miranda (Agosto 21, 1971), na ibinintang nila kay Marcos. Pero ang hindi alam ni Joma, binigyan ng CIA si Ninoy ng go-signal sa planong ito. Ang layunin ay upang magkagulo at matanggal nila sa puwesto si Pangulong Marcos. Nang magtrabaho ako bilang freelance researcher para kay Senador Jovito Salonga, na maituturing na pader ng Liberal Party noon, nakumpirma ko ang bagay na ito. Hindi makapaniwala ang senador na magagawa ni Ninoy ito subali’t si Buscayno diumano mismo ang nagtapat sa kaniya ng katotohanan. Dito nagsimulang umasim ang ugnayan nila ni Cory at sumuway siya sa kagustuhan ng balo ni Ninoy na panatilihin ang base-militar ng mga Kano sa Pilipinas. Tinanggal naman siya bilang Senate President at inilaglag bilang kandidato sa pagkapangulo ng mga dilawang puitiko (Sayang, isa sana siyang naging magaling na pangulo ng bansa). Bagama't may mga nailahad na siya sa publiko at sa kaniyang aklat na A Journey of Struggle and Hope, labis ang pagka-loyal ni Salonga sa Liberal Party kaya isinama na lang niya hanggang libingan ang marami sa mga katotohanang natuklasan niya tungkol kay Ninoy.

Si Joma Sison, hindi man niya aminin, pero maraming beses niyang pinuri si Marcos noon, lalo na nang simulan ng pangulo ang kaniyang Independent Foreign Policy at magsimulang makipag-ugnayan sa mga socialist countries na China, Russia, Cuba at Libya. Kaya lang kapag umamin kasi siya, malalantad din na nalinlang siya ni Ninoy Aquino na isang ngang double-agent ng CIA at USSD, at sa ilang pagkakataon ay nagamit pa ang puwersa ng CPP-NPA-NDF sa plano ng mga Kano na pabagsakin si Marcos. Tandaan  din ninyo, kayong galit ngayon sa bansang China pero mga tagahanga ni Joma, na ang ideolohiya na gumagabay sa CPP ay Maoism (mula kay Mao Zedong). Maging si Risa Hontiveros at ang kaniyang dating mentor na si Randy David ay pro-China at nakakiling sa Maoist Ideology, at anti-US imperialism noon, pero mukhang nag-iba ang simoy ng hangin. Dahil sa ngayon tila nagagamit si Hontiveros ng mga pasistang oligarko.

2. HINDI NAGNAKAW SI MARCOS, KUNDI NAG-ABONO PA. Saan niya kinuha ang kayamanan? Kasi kung susumahin mo, saan kukuha si Marcos ng kayamanang tinatayang nasa 1.2 trillion dollars (1987 estimate, batay sa lathalaing Executive Inteligence Review), na kahit pagsamasamahin mo lahat ng laman ng Philippine Treasury mula kay Aguinaldo hanggang ngayon ay walang ganoong kalaking halaga? Isang newspaper columnist at kritiko ni Marcos, si Hilarion "Larry" Henares, ang nakapuna rin nito. Ang average annual government budget (dollar exchange rate and inflation taken into consideration) noong panahon ni Pangulong Marcos ay nasa humigit-kumulang 120-million pesos. Ang estimated cost ng lahat ng kaniyang infrastructure projects ay humigit-kumulang 870-billion pesos. Hindi magsisinungaling ang matematika (Maraming halimbawang proyekto ni Marcos akong maibibigay kung saan nag-abono siya ng pangpondo at ilan dito ay nai-blog ko na). Meron ba ritong makapagpapaliwanag kung saan kinuha ni Marcos ang pinang-abono niya? Sa mga nagsasabing ninakaw niya ay sagutin ninyo kung saan niya nanakawin kung wala namang ganoong halagang mananakaw. Narinig niyo na siguro ang Yamashita Treasure (hindi po Tallano Gold ah, kagaguhan lamang ng isang LP senator yun. Pero sa ibang pagkakataon na ito)?

2. SINO ANG TUNAY NA MAGNANAKAW? Ang mga paintings at jewelries na naiwan sa Malacañang matapos ang 1986 EDSA Revolt, sino ang kumuha at nag-angkin? Ang mga ito ay bigay kay Imelda Marcos ng mga artists at royalties. Pag-aari dapat ng mga Marcos yun, pero hindi nila inilagay sa bahay nila kundi sa Malacañang, sa National Museum at Central Bank. Matapos ang 1986 EDSA Revolt, nawala ang ilan sa mga ito. Ngunit ang mga lihim na kasamaan ay hindi maitatago habangbuhay. Ilan sa mga alahas at paintings ay nakita sa mga Cojuangcos at Aquinos. Halimbawa, nang mamatay si Cory, sinabi ni Kris na wala siyang hihinging mana kundi ang self-portrait ni Amorsolo at ang obra ni Ang Kiokuk. Ang mga ito ay kabilang sa mga nawawalang paintings sa Malacañang. Isang reporter-photographer ang nagsiwalat ng isang larawan ni Kris Aquino kung saan suot niya ang isang kuwintas na pag-aari ni Imelda. Ang tanging sagot ni Kris ay “fake copy” lang daw yun. Sa masusing pagtingin makikitang ito nga ang alahas ng dating Unang Ginang. ANG KASAYSAYAN AY MAY KAKAYAHANG MAGSIWALAT NG KATOTOHANANG SA TAKDANG PANAHON AT ANG KARMA AY MARUNONG MAGBIGAY NG KATARUNGAN!

3. Naging freelance writer din ako mula noong ako’y nag-aaral pa lamang. Panahon ni Marcos, hindi ako kailanman na-censured; na-published ng buo ang mga artikulong sinulat ko. Katunayan nanalo pa ako sa essay-writing contest na sponsored ng Malacañang kahit pa may banat ako laban kay Marcos doon sa sinulat ko. Panahon ni Cory, sinabihan ang mga editors ko na huwag ilabas ang mga sinulat ko tungkol sa environment, flood control at US bases. Sa panahon ni Cory, WALANG PRESS FREEDOM kung hindi ka nila kapanalig.

4. PINASLANG NG PANAHON NI CORY AQUINO. Ang kaibigan kong si Lean Alejandro, founder ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Pinatay siya ng mga hitmen ng Yellow Army noong September 19, 1987, matapos siyang mag-anunsyo ng pambansang kilos-protesta laban sa pamahalaan ni Cory Aquino. Kung tutuusin malaki ang naitulong niya sa EDSA, pero nadismaya siya nang hindi tumupad sa mga ipinangakong pagbabago ang rehimeng Cory. Bago pa siya, si Rolando Olalia, lider ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ay pinatay rin wala pang siyam na buwan pagkaupo ni Cory. Huwag din nating kalimutan ang madugong pagpaslang sa mga magsasaka sa Mendiola Massacre at Hacienda Luisita Massacre! Malayong-malayo sa kalingkingan ni Lean ang mga sumunod na namuno sa BAYAN o sa iba pa mang grupong kabataang nag-aastang aktibista.

5. ANG TUNAY NA TUTA NG MGA KANO. Si Pangulong Marcos, pinahanga niya ang mga Kano sa kaniyang talino at pamumuno, kaya tinangka nilang hawakan siya sa leeg at kontrolin. Nang simulan niyang kumawala sa kadena ng mga Kano, lalo na nang baguhin niya ang Saligang-Batas at lagyan ng hangganan ang pananatili ng US Military Bases, pinagplanuhan na siyang pabagsakin ng makapangyarihang US Liberal Democratic bloc. Ito ang nuno ng mga imperyalista na lumilikha ng digmaan sa daigdig, nag-aalis at pumapatay ng mga pinuno ng bansang tumatangging sumunod sa kagustuhan nila. Ang tangkang pagkarit ni Marcos sa kuko ng Agilang Panot ay lihim na nagpagalit sa kanila. Ito ay humantong sa panggigipit sa pamahalaang Marcos ng US government, tuloy-tuloy na paninira ng western press, sinadyang pagpatay kay Ninoy Aquino (Agosto 21, 1983, parehong araw at eksaktong 12 taon matapos ang pagbomba sa Plaza Miranda), at nagtapos sa 1986 EDSA Revolt.

Si Cory Aquino, iniluklok ng mga Kano kapalit ng pagpatay sa kaniyang asawa; at naging sunud-sunuran sa mga Kano lalo na sa kaniyang mga among Democrats. Pakatandaan natin na pinilit ni Cory na panatilihin ang mga base-militar ng mga Kano, kundi lang sumabog ang Bulkang Pinatubo. Dito nga nagkalabuan sila ni Sen. Salonga. Ang tumulong sa kaniyang mailuklok sa puwesto na si General Fidel V. Ramos, ang itinuturing na “American Bulldog” ng mga aktibista ng Unang Bahagdang Unos ay inilagay niya bilang Kalihim ng Tanggulang Bansa upang sawatain ang mga sasalungat sa dilawang pamahalaan. Ganoon din ang kaniyang anak na si Noynoy Aquino, na sa wika ng isang kasapi ng Anonymous Philippines ay “tutang laging nakaamoy sa puwet ni Obama,” na sa dami ng mga kapalpakan, kurapsyon, at iskandalong ginawa sa puwesto ay itinuturing na pinakamasamang naging pangulo ng Pilipinas.

 

Tungkol naman sa 20 pisong bigas: Wala namang sinabi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na gagawin niyang 20 piso ang halaga ng isang kilong bigas sa isang iglap pagkaupo niyang pangulo. Ang sabi niya ay pangarap niyang mangyari yun. Ito ay nabanggit niya noong Mayo 2022: “.... I will work to bring down the price, so that we can achieve our dream – the P20 to P30 na bigas.” (Magtatrabaho ako upang mapababa natin ang presyo, para maisakatuparan ang ating pangarap – ang P20 hanggang P30 na bigas.) Kayong mga dilawan at malabulaw, huwag kayong magtagpi-tagpi ng mga salita upang sirain ang isang adhikain.

 

Ito ay ilan lamang sa mga kongkretong ebidensya (mahirap tibagin), hindi haka-haka, hindi paninira, hindi yellow journalism, hindi black propaganda!