Friday, October 12, 2018

MUNTING ILAW (A Small Light)


Para sa pag-alaala sa aking namayapang ina, Nieves C. Laoagan, isang taon na ang nakalipas. Ito’y karugtong ng aking tulang-alay sa kaniya, “Huling Ngiti: Ang Pamamaalam ng Aking Ina.”

MUNTING ILAW
 
Isang taon na ang lumipas, nagdaan,
Subali’t tigib pa rin ng kalungkutan.
O aking ina, sa piling ng MAYKAPAL,
Iyong anak, iyo nawang ipagdasal.
 
Sa pag-iisa, ako’y naghahagilap,
Kasagutan sa takda kong hinaharap:
Ano pa kaya’ng aking pagsisikapan
Kung wala rin namang pinaglalaanan?
 
Maraming diwa, naglalaro sa isip,
Hindi maaninaw at hindi malirip:
May kabuluhan pa kaya ang mangarap
Kung sa daigdig ay ulila ng ganap?
 
Nang sa karamdaman ako ay naratay,
Limang araw, mag-isa’t walang karamay:
Handa na akong pumanaw sa daigdig,
Makapiling, Ama’t inang iniibig.
 
Sa akin ay suminag ang isang tanglaw,
Ang kinabukasa’y ipinaaninaw:
Hilagyo ko’y muling bumalik, sumilay;
Hindi pa tapos ang aking paglalakbay.
 
Sa dilim ng mundo, taglay ko’y liwanag;
Itaguyod ang tama, mali’y ihayag.
Ibinangon sa gunita ng balangaw,
May pag-asa dangang may takda ang tanaw.
 
Ang ngiti sa’yong larawan, aking ina,
Magiging ilaw ko sa bagong tadhana,
Bagama’t ang isip, puno ng bagabag,
Sa gabay ng DIYOS magiging matatag.
 
Munting ilaw sa daigdig ng hinagpis,
Huwag mabahala, hindi magagahis.
Ingatan mo ang nalalabing pag-asa;
Manangan ka sa binasbasang Salita.
 
Mabibilang sa mga daliri ng kamay
Ang tatanggap ng aral na inaalay.
Sa pagdatal ng dalita at pasakit,
Dagling nabubuyo ng sama’t ligalig.
 
Sa kalungkutan, pagtibayin ang diwa;
Sa pag-iisa, dalangin ang sandata.
Huwag bibitiw, taos na paghihintay,
Darating din ang kabiyak at kadamay.
 
Sa taimtim na dalangin ay manalig,
Marubdob na pangarap ay makakamit.
Munting ilaw sa parang ng pagbabaka,
Apoy ni Uriel ang tumataliba.
 
Sa bawat panalangin, apoy liliyab,
Ang liwanag sasambulat, mag-aalab.
Isang babala ang ipinahahatid,
Ang kasamaan pupugnawin ng init!
 
(Oktubre 12, 2018)




English translation:

A SMALL LIGHT
 
A year has since passed,
I’m still filled with sorrow.
O Mother, in the grace of  the CREATOR,
Pray for your son’s tomorrow.
 
In my loneliness I seek
Answers for what the future holds:
What is there left to aspire
When there’s none but emptiness unfolds?
 
Many thoughts play in my mind,
I can’t fathom nor understand:
Is it still worth to dream
When on this Earth I have noone?
 
When I got ill and bedbound,
Five days, all alone to bear:
I was ready to depart from the world,
To be with my Father, mother dear.
 
A light awakened my soul,
Showing things yet to come:
My spirit returned, reborn,
It is not yet my hour to journey home.
 
In the darkness of the world, I have the light,
Guard the truth, reveal the falsehood:
I rose remembering the Genesis’ rainbow,
There’s still hope though on bounded rood.
 
The smile in your image, mother,
Will serve as my light in this song,
Though my mind is full of disquiets,
GOD’s guidance with keep me strong.
 
A small light in a world of suffering,
Worry not, nothing can put it out.
Give utmost care to what’s left of hope,
Stand firm, for what the Scriptures’ about.
 
One can count with one’s fingers,
Those who will accept the given toil.
When ordeals and sufferings come,
Easily adhering to evil and turmoil.
 
In melancholy, strengthen the mind;
In solitude, prayer is the weapon.
Never let go of the blessed wait,
In time, soulmates shall meet and be one.
 
Passions, quests and aspirations,
Be true, in profound prayers trust,
A small light in the field of struggle,
Uriel’s fire will protect the just.
 
For every prayer, the fire will blaze,
The light exploding, darkness retreat.
A warning is now given to all,
Evil will perished amidst the heat!
 
(Octoberber 12, 2018)