MGA
TULA PARA SA SETYEMBRE
PAG-IBIG
SA DIYOS
Sa mga nilalang ng
buong sansinukob,
Anong mayroon na
ipinagkaloob,Na walang katulad; walang hangganan?
Pag-ibig na walang pag-aalinlangan!
Ang pag-ibig na
hindi nagmamapuri
At hindi kailanma’y
nananaghili;Ang pag-ibig na lahat ay tinitiis
At hindi pansin kahit anomang dungis.
Pag-ibig na gawang
nagpapahalaga,
Taos na paglingap sa
kanyang kapuwa,Mula sa aral ng Kasulatang Banal.
Ito’ng pag-ibig sa Diyos na Maykapal.
(Isinulat noong Setyembre 1, 2014)
KAILAN? SINO?
Kung hindi ngayon ay kailan pa ba?
Kung hindi ang mamamayan, sino kaya?Kailan? Sino? Katanungan ng masa,
Kasaguta’y hanap sa sarili’t kap’wa.
Mga maralitang sa kuko ng mayaman,
Pagdurusa ay waring walang hangganan.Mga tao ba’y manhid sa dakong Silangan
At karainga’y nilulunok na lamang?
Mga mag-aaral nagnanais matuto
Sa gitna nitong paghihirap ng mundo;Dagdag na pamatok sa kanilang ulo
Pilit itinarak sa kanilang bungo!
Mga manggagawang sa lipuna’y haligi,
Pilit binabaka hirap at pighati;Haplit sa likod ang sa kanila’y sukli,
Mapagsamantalang sukab na may-ari!
Mga magsasakang sa bukid ay alagad,
Alipin ng mga sa kasakima’y sagad;Tanikalang gapos dapat ng mapigtas,
Sa himagsik ng dibdib na nag-aalab!
Mga mamamaya’y lipos sa paghihirap,
Bulag na sa kadugo’y walang paglingap;Habang ang mga dayuha’y nagpapasarap
Sa yaman ng bayang basag ang pangarap!
Mga bayaning limot, gabay ng panahon,
Masdan ang bayang nililigid ng alon;Sa puntod ng Dakila kayo’y magbangon,
Baya’y tulungang sa kumunoy iahon!
Bumangon ka mutyang Hiyas ng Silangan,
Gisingin, diwang alipin ng Kanluran;Isiwalat ang dilawang kamangmangan,
Magkaisa’t panlilinlang ay labanan!
Bangon na mga Kabataang Makabayan,
Mga anak na pag-asa ng Inang Bayan;Ang sandata niyong utak at panitikan,
Ibugso na’t igawad ang katarungan!
Bangon na mga Manggagawang Maralita,
Sa pagkaalipi’y lubos na makibaka;Lagutin na ang dayuhang tanikala,
Kamao’t diwa ang gamiting sandata!
Bangon na mga Magsasakang Kayumanggi,
Nasa mga palad niyo ang bagong binhi;Kayo na pulubi sa bayang sarili,
Hasain ang karit, gapos ay iwaksi!
Bumangon ka, O Dakilang Maharlika,
Sa bagong umaga’y iharap ang mukha;Iahon mo sa lusak ng pagdurusa
Ang kapuluang itong pamana ni Bathala!
Bangon na’t ating iguhit ang tadhana,
Sa pagkamakabayan ay magkaisa;Ang bawa’t himagsik may ganting pala,
Tagumpa’y kakamtin sa pakikibaka!
Bangon na’t ating itaas ang kamangyan,
Mga tanikala sa kamay at paanan,Pagkaalipin sa lupang sinilangan,
Lagutin na, ngayon, ikaw, aking bayan!
(Unang nailimbag sa The People’s
Horizons Vol. VI No. 1, Pebrero 4, 1987.
Ginawan ng pagbabago at pagsasaayos, Setyembre 11, 2016.)
NALANTANG
KAMPANILYA
Bilang na ang mga
araw mo
Sa pagdating ng
bagong ulan.
Pangakong napako,
Tungkuling
nilapastangan.
Kaya ngayo’y ang mga
sanga
Ay nakahapay;
Ang mga ugat,
inaanay!
Panahon na!
Mga talulot na dilaw
ay natuyo
Sa kapalaluan
nahirati.
Paghihiganti ang
amo,
Kapangyarihan ang
lunggati.
Kaya ang ganda ng
kulay
Ay pumanaw;
Ang hilagyo,
nalusaw!
Panahon na!
Sagisag ng pag-asa,
Isang pagkukunwari.
Kumandiling lupa
Sa kataksila’y
nalason, nasawi.
Ang nagtanim nayamot
Sa sukab;
Galit lubhang
nag-alab!
Panahon na!
Sa pagkalanta,
kapanilyang dilaw,
Hindi hinagpis ang
maririnig
Kundi pagbubunyi,
galak, hiyaw,
Luoy na ang sagisag
ng manlulupig.
Oligarkiya, pasista,
Sa takap ng bayang
naghirap
Banaag ang bagong
tuwa
Para sa Bagong
Hinaharap!
(Orihinal na isinulat noong August 2,
2017. Bahagyang binago, Setyembre 12, 2018.)
ALAALA
SA ISANG LANGAY-LANGAYAN
Malupit ang lintik
na tumama
Sa tikas ng
punongkahoy.
Nasunog ang mga
sanga,
Mga dahon kinain ng
apoy.
Makatarungan ang
Diyos,
Isang unos ang nabuo.
Ulan, malakas na
bumuhos,
Lagablab, duwag na
naglaho.
Isang inakay ang
nakalugmok,
Pataksil na
pinaslang,
Ng pasistang
nakaluklok,
Sa kapangyariha’y
hibang!
Sa aking kaibigan,
isang panata,
Daang ulit mang
puksain,
Mananatili ang pakikibaka
Laban sa mga imbi at
sakim!
Nanatiling buhay ang
mga ugat,
Mula rito’y uusbong na
muli,
Sanga-sangang akibat
Ng bagong
pagpupunyagi!
Mga sangang
kakandili
Sa libong
langay-langayan;
Sa tunog ng mga tambuli
Magbabatay sa Inang
Bayan!
[Isang tulang isinulat noong
Setyembre 19, 2012, bilang alay at pag-alaala
sa ika-25 taon ng pagyao ni Leandro “Lean”Alejandro (1960-1987), magiting na aktibista,
biktima ng pamamaslang ng rehimen ni
Cory Aquino.]
HINDI
DILAW ANG KULAY NG PAKIKIBAKA!
Maingay kahit
kakaunti; mapusok na walang dili-dili,
Kahit ang adhikain ay
tuliro kung tama o mali!
Aktibista, ngayon, sa
panahon ng Internet,
May martsa sa
lansangan, agad naipahahatid.
Sa gitna ng tag-araw
ay umuulan,
Pagdating ng
taglamig ay saksakan ng init!
Bagong panahon? Ito
ay tanong.
Anong nangyari sa
aktibismo? Balimbing at tipaklong!
Sa lansangan ibinuhos
kinimkim na galit?
Totoong galit o
binuyong galit?
Tuloy ang martsa!
Sinu-sino ang
kasama?
Madre, pari,
pasista,
Mga galamay ng
oligarkiya!
Laban umano sa
diktadura
Aktibismong
nabahiran ng dungis,
Kulapong salapi,
ibang diwa,
Naging kanan na ang
kaliwa!
Hala, ihanda na ang
rebultong papel at karton,
Sisipain, susunugin
sa demonstrasyon,
Tanda ng galit
At di-pagsang-ayon!
Totoong galit o binuyong
galit?
Inuulit-ulit ng
makulit. Saan sasang-ayon?
Tanong ng lider sa
mga naroon:
Bakit kakaunti tayo
ngayon?
Umaaraw naman
At kay ganda ng
panahon?
Nang umulan nang
humapon
Naiwan na lang ang
mga miron!
Mga estudyanteng
lumiban
Sa klase, ayaw ng
Math?
Mga madreng
katatapos mag-Inasal,
Ayayay balubalo, hindi
dasal!
Mga nakakotseng
magara,
Kumakaway sa
nagdaraan;
Tumatawag pansin, sila
kaya’y artistang
Di-kilala o sanhi
lamang ng kahibangan?
Isinisigaw sa
protesta
Ay bumaba ang
nakaupo.
Ang nasa likuran kaya
ay sino?
Ah mga pulitikong nais
umupo,
Pumalit sa lukulukan
ng nakaupo;
Mga talunan sa
halalan, tinalo ng nakaupo!
Mga kabataang ligaw
Ang isip sa tunay na
dahilan
Ng hinagpis ng taong-bayang
Matagal na
pinaglaruan ng kasaysayan;
Ng inilihis at itinagong
kasaysayan!
Likaw, liko, lihis,
lisya,
Kasaysayang itinakda
ng puting dayuhan!
Kayo ba’y mga daga,
Mga dagang
agaw-buhay,
May nakataling lata
Sa mga buntot,
Pinakakawalan upang
mag-ingay
Sa
pagbubukang-liwayway,
Tulo ang laway,
Dilaw ang kulay?
Dilaw, ayon sa
awiting Kano,
Kulay ng lasong nakatali
sa puno.
Dilaw, dilaw, paninibugho!
Sa kabilang dulo
Dilaw, dilaw,
pagtataksil
Sa pagsuyo!
Dilaw, dilaw, o
hindi!
Malik-mata, masamang
anyo!
Dilaw na ba
Ang kulay ng
aktibismo?
Karuwagan ipinalit
sa tapang;
Samyo ng bangis
pinalitan ng baho!
Nasaan na ang bugso
Ng unos, tikom na
kamao?
Nasa ibaba, sa
pagitan ng hita?
Ihi na lang ba ito ng
lawit na may tulo?
Dilaw, dilaw ang
kulay ng ihi,
Ubod ng sangsang at walang
kasing-panghi!
Dilaw, dilaw,
manapa’y
Ito rin ang kulay ng
tae
Na nakakalat sa
pusali!
Naku po! Natigil ang
pagmumuni!
Dilaw, dilaw na ba
Ang kulay ng
pakikibaka?
Utak umurong; puso’y
napipi!
Huwag! Huwag sana! Huwag
sanang mangyari!
Ako, ikaw, kayo, sila
Ay maghunos-dili.
Nakakasulasok!
Nakakadiri!
Papayag ka ba na ang
dugo’y maging ihi,
Ang himaymay ng
laman maging dilaw na dumi?
Hindi! Hindi! Hindi!
Hinding-hindi!
(Ito ang unang tulang isinulat ko
pagkatapos ng “Huling Ngiti”
ni Rebecca T. Añonuevo, premyadong manunulat at makata.
Mula rito muli akong nagkaroon ng bagong inspirasyon na muling sumulat ng mga tula,mula sa diwa at sagimsim ng aking isip. Setyembre 21, 2018)
na inialay ko sa aking yumaong ina.
Ako’y nabigyan ng mapalad na pagkakataong
limiin ang aklat ng tula, Dungol, ni Rebecca T. Añonuevo, premyadong manunulat at makata.
Mula rito muli akong nagkaroon ng bagong inspirasyon na muling sumulat ng mga tula,mula sa diwa at sagimsim ng aking isip. Setyembre 21, 2018)
ANG LANGAW,
BAW!
Insektong langaw,
Dapua’y humihiyaw,
Diring-diring
alibayaw.
Tanging manliligaw,
Pulitikong dilaw!
Insektong langaw,
Kahit ang kalabaw
Sa burak
nagtampisaw,
Buntot bumubugaw
Sa maruming dalaw!
Insektong langaw,
Lahat sinasaklaw,
Dinadahas, inaagaw,
Dangal na bahaw
Ng pulubing ligaw.
Insektong langaw,
Hilig kaulayaw,
Bagay na madilaw:
Ihi, taeng
maalingasaw
Ng pedopilyong
halimaw!
Insektong langaw,
Hinahabol ng hataw,
Laging alimpapayaw.
Tulad sa magnanakaw,
Pulitikong dilaw!
Insektong langaw,
Mata, pati muta,
dilaw;
Limang-dadaaning
dilaw;
Kandidatong dilaw.
Tsuuu! Ayaw! Ayaw!
Ayaw!
(September 24, 2018)
IWAKSI,
LIGAW NA LUWALHATI
Isang pinipitagang
manunulat
Sa larangan ng
panitik
premyado’t sikat.
Ganoon na lamang ang
galit,
Kinimkim saka
ibinulalas.
Ang kaniyang panig;
Ang katuwirang
nabuo,
Maaaring tama at
matuwid
O bunga lamang ng
buyo
Ng dilaw na
kapanalig!
Luwalhati ang tawag,
Tinitingala at
pinupuri,
Pumasok nawa ang
liwanag,
Walang bahid na pagsusuri.
Binaligtad na
katotohanan
Itumpak, iparinig,
ipakita,
Sa isip maunawaan,
Sa puso’y madama!
Mga komentarista
Sa dilawang istasyon
ng TV,
Napanood kumakanta,
Ah bonus sa Pasko ay
malaki!
Kaya’t tahasang panglalait
Sa isang yumaong
pinuno,
Tulad lamang ng
paggupit,
Buhok sa panot na
ulo.
Katarungan ba ang
usapin,
Sandata’y pagkutya?
Gayo’ng tunay na
hangarin,
Galitin ang madla!
Madlang bukas na ang
isip,
Hindi na palilinlang
Sa mga sukab at
sipsip.
Huwag ipilit
pandadarang,
Baka sa inyo’y bumalik,
Kayo ang silaban!
Iwaksi, ligaw na
luwalhati
Sa imbot at karuwagan;
Sa paninibugo,
paghihiganti;
Sa gawang
tampalasan.
Senador na
nalulukag,
Paring kampon ng
dilim,
Komentaristang may
kabag,
Kandidatong adik at sakim,
Mga itlog na nabasag
Saan kaya pupulutin?
Ang bayan kong
Pilipinas
Lupain ng ginto’t
bulaklak,
Alab mo’y nagniningas,
May bago ng
tinatahak!
Kasamaan ay lipulin,
Korapsyon sagasaan,
Upang tagumpay ay
kamtin,
O bayan kong
sinilangan!
(Isinulat ko ang tulang ito bilang tugon sa mga nanglalait at panglalait
sa yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos,
at sa nakaupong Pangulong Rodrigo R. Duterte. Setyembre 25, 2018)
Basahin din ang ISANG KUWENTO, DALAWANG TULA, TATLONG PARI.
Hi thannks for posting this
ReplyDeleteYou're welcome.
Delete